Dapat natutulog na ako ngayon

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung gawa ba ito ng ininom ko na kape kanina o sadyang malikot lang ang utak ko sa ganitong oras. Hindi ko rin maintindihan ‘yung katawan ko kung bakit kailan hindi ko kailangang magpuyat e doon naman ako gising na gising, pero nung mga panahong kailangan ko magpuyat para mag-aral e halos di ko maihiwalay ang likod ko sa kama. Siguro nga, mas masaya ang magpuyat para sa walang kwentang bagay dahil hindi ka naman napipilitan. Pero, brain, please, maawa ka naman sa katawang binabahayan mo.

Natapos na naman ang semestre. At nasa sitwasyon na naman ako na kailangan ko ipikit ang mga mata ko at huwag tignan ang mga nagibang pader; sa halip tumanaw sa Hari, maghintay, at magtiwala sa pangako Niya. Hindi ko sigurado kung immune na ba ako sa mga pagguho ng pader na ‘to o sadyang may gift of peace lang talaga sa akin si Lord. Hahaha! 

Okay, I just want to let that out here. Maybe I’ll try again next time and write something more profound and, uh, inspiring, somehow? For now, I’ll leave this words I’ve read before in high school: “Kapag nakikita mo na ‘yung dahilan mo para sumuko, ‘wag mo nalang tignan.” I believe it was Bob Ong who wrote that.

Matatapos din ‘yan. Tapat at mabuti ang pinupuri nating Panginoon. 🙂 Happy Easter!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s