Make dreams work

 

5805002985837cf7a5f052b77c255149 copy

Day 04 and I’m already feeling a tad bit of “bukas nalang please”. Also please excuse my low quality-not-creative-enough-trying-hard-crammed collage. Let’s talk about future and be terrified.

May nabasa ako sa facebook noong nakaraang linggo. Ito ung post (Non-Verbatim)

Nanay: ‘Nak, kailan ka nga ulit gagraduate?

Me: Marcos 13:32 “Ngunit patungkol sa araw o oras na iyon walang nakakaalam, kahit na ang mga anghel sa langit, kahit na ang Anak kundi ang Ama lamang ang nakakaalam.”

Nahati yung katauhan ko bigla. Alam ko na isasagot ko sakaling mangyari ang pagkakataon na ‘yan.

Kumukuha ako ng kursong BS Chemical Engineering. Hindi ko matandaan kung kailan ko napagdesisyunan na iyon ang kukunin kong kurso, but I think that was between my junior and senior year. Kasama rin noon sa options ko ang Psychology, para parehas kami ng bestfriend ko (haha). Pero dinala ako sa ibang direksyon. Isa rin sa nakaimpluwensya sa akin ay ang Mama ko. Lumaki kasi ako na exposed sa business ng Mama ko sa chemical industry. At naisip ko rin naman na maayos ang relationship namin ng Chemistry noong Junior year. Saka di ko malilimutan yung napakagaling na teacher namin dun noon <Hi, Sir Jess!>.

As I grow older, and went to college. Hindi ko na alam kung tama pa ba ‘tong pinasok ko. Luamawak rin ang pang-unawa ko sa kung ano ba ang papel ng isang ChE sa mundo. At nalaman ko na hindi biro yung kinuha kong kurso. Survival of the fittest and the gumptious. Nakakapanghina minsan ngunit kahit ganun, mas dumami naman ang dahilan ko upang magpatuloy.

Gusto kong makatulong. Sa mga tao, sa bayan. Gusto ko makatulong sa pagbibigay ng magandang kinabukasan sa mga susunod na henerasyon. Naalala ko yung sinabi ng isang Chemical Engineer from Maynilad, also a UP-grad, sa isang seminar na napuntahan ko. Ang sabi niya, “Kahit ano pa ang industriya sa Chemical Engineering ang gusto niyong pasukin, don’t ever forget to help and give back to our country. Kailangan kayo ng bansa.”. Siguro sa linyang ito, bonus nalang ang malaking sweldo. Siguro ang totoong achievement ay ang magamit ang talino at kakayanan sa pagtulong sa ikabubuti ng bansa…o ng mundo. Kahit sa maliliit lang na bagay.

Nalaman ko rin dito na mabilis matatalo ang hihina-hina. Mas kailangan ang lakas ng loob sa kurso na ‘to. At higit sa lahat, puso.

Ang dami kong sinabi, wala namang specifics yung sagot ko. Well, ang dream job ko to be specific ay ang magtrabaho sa Oil industry o di kaya naman sa Water Management o Environmental related.

| prncssmanuel, 5-18-16

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s