A different look on death

Noon ko pa sana gustong isulat ang nararamadaman ko tungkol dito sa balita na gumulat sa aming lahat na mga taga-Adamson. Ilang araw na rin ang nakakaraan nang mangyari ang insidente. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Minsan, ayoko nalang isipin. Kahit hindi ko siya personal na kakilala, nahapyawan ko naman ang klase ng tao ang klasmeyt namin na ‘yun. Ayoko nang sabihin ang pangalan niya. Gusto ko sabihin kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya- maganda, maamong mukha, mahal ang Diyos, mabait, palakaibigan at sa tuwing makikita mo siya ay laging nakangiti. Napakatamis ng mga ngiti. Kaya talagang nakakalungkot nang mabalitaan namin na pumanaw na siya.

Hindi ko alam kung paano tintanggap ang pagkamatay ng isang tao? Gaano ba katagal maghilom ang mga sugat? Humihilom ba talaga ito? Paano mo tatanggapin? Nasa paraan ba nang pagkamatay ng isang tao ang sakit at bigat na papasanin ng mga iniwan niyang mahal sa buhay? Hindi ko alam, at sa ngayon, ayoko pa ring malaman.

Alas dose ng gabi ng makarating sa amin ng mga ka-dormmates ko ang balitang iyon; habang ako, nag-aaral para sa exam kinabukasan. Hindi makapaniwala. Natutulala. Naninikip ang mga dibdib. Hindi ko siya personal na kilala pero sobrang naapektuhan ako.

Pero ngayon, hindi talaga siya ang gusto kong pag-usapan sa entry na ‘to.

Death. Nakakatakot kung iisipin. Saan nga ba patungo ang buhay matapos ang mahabang paglakbay dito sa mundo? Didilim ba ang paligid mo gaya nalang kapag nagsasara na ang mga istasyon sa telebisyon, at pakiramdam mo ay nasa malaking kawalan ka? May grand “welcoming of souls” ba sa langit? o gaya ng mga tipikal na palabas na sinusundo ng isang naka-itim na lalaking may hawak na malaking tinidor? Meron pa nagsasabi, magii-stay ka pa ng ilang linggo o araw dito sa mundo. Ano ba pakiramdam? Ano na?

Ha ha. fear of the unknown. Napakabilis ng oras. Lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan kung hanggang kailan. Nakakatawa isipin na parang laro ang buhay-  work for what you want, love whomever you want to love, take whatever you want. Pero sa bawat laro, kailangan ng thrill, at sa buhay na ‘to, ito ang plot twist- lahat ng bagay ay mawawala pero hindi mo alam kung kailan. Nang mga oras na ‘yun, hindi ko maiwasang isipin na paano kung sa isa  sa mahal ko sa buhay nangyari ‘yon? Hindi ko yata kakayanin. Tingin ko mababaliw ako oras na mangyari ‘yon. HIndi ko kaya. Ayoko. Doon ko naisip na somewhere along the way, I have been taking time for granted. Napakabilis ng panahon. Tumatanda ang mga magulang ko. Yung bunso kong kapatid, akala ko 7 years old pa rin siya. Sumapit ang 13th birthday niya noon lang December 07. Yung gitna kong kapatid, ayun, mas malaki na sa akin. Yung naiwan ko na lolo at lola, tumatanda na rin sila at nanghihina. Ayokong isipin pero nung mga oras na ‘yun, halos mabaliw ako at maluha sa kakaisip ng mga bagay na ‘yun. Wala akong magawa. Hindi ko alam kung paano lalabanan ang takot na nararamdaman ko kasi kahit anong gawin ko, mangyayari at mangyayari sa kanila ‘yun. Nagdasal nalang ako. Alam ko na kapag sa Kanya ko ipinaubaya ang mga buhay na ‘yun ay tiyak nasa mabuti silang kamay.

Napakabilis ng panahon. Hindi mo alam kung kailan ka mawawala o ang mga taong mahal mo sa paligid mo. Seize every moment. Lalo na kapag kasama mo ang pamilya mo. Huwag mo hayaan na mapalitan yung oras mo para sa kanila ng isang bagay o tao. You will have all the time in the world sa oras na tumanda ka na rin at nagkaroon ng sariling buhay o pamilya. Pero ang mga kapatid mo, mga magulang, lolo at lola, tumatanda rin sila. Ang mga kaibigan mo? Make sure na you stay connected and updated with each other. Humble yourself and initiate the talking sa taong nakaalitan mo. Forgive as much as possible. Hindi mo alam kung kailan ang magiging huli niyong masayang pag-uusap, pagyakap, at paghalik. Don’t take time for granted. Make the best of it every second.

Going back to death–fearing it is wrong. Oo, alam kong mali yung naramdaman ko nun. Dahil sa mga taong kagaya natin na naniniwala sa pag-ibig ni Jesus Christ, at ang dahilan ng pagpapapako Niya sa krus, death is a glorious beginning. A glorious beginning of f i n a l l y after all the pain, sacrifices, fighting for love, living for Jesus in this cruel world, you get to live WITH Him. You get to live with your Abba Father, with His Son, and be forever filled with the Holy Spirit. No more death or mourning or crying or pain. This is Heaven, and Heaven is for real. Imagine that? Either I, cannot wait for that day. I cannot wait until Jesus comes back and wipes away all our tears. Death is just a door, not the end. But if you’re someone who is unsure of where death will lead you, I am asking you to pray this short prayer and allow Christ to enter in your heart:

God, here I am humbling myself before Your glory, asking You to forgive my sins. I made a lot of mistakes and sinned too many times. God, forgive me. God, I know Your son, Jesus Christ, died on the cross to save me. He came into this world to save a sinner like me. So clothe me with the holy blood of Jesus Christ, create in me a pure heart and make my soul as white as snow. Come into my heart, Jesus. I welcome You. Today and for the rest of my life, I will live for You. Thank You, Heavenly Father. Thank You for Jesus. All these I pray, in Jesus’ Name, Amen.

 


 

To the family of our late classmate and fellow Adamsonian, I can only imagine the pain that you are going through right now. It will be so hard. It will take time. But I want you to know that in the midst of this tragedy, our God, as a Shepherd carries a lamb, He will carry you close to His heart. He will remain sovereign above it all. Find your strength in Him. He is a solid rock that cannot be shaken. And because of the love for Christ your child showed in her life, I believe that she is, right now, happy in the arms of our loving Father. And that reason is enough to stay strong, to continue life and to keep on pursuing Jesus. You can do this. God bless your hearts. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s