Kwentong Escolta

Sa tuwing dadaan yung jeep na sinasakyan ko sa Escolta, papuntang school, ay lagi nalang may mga kalesa akong nakikita. Hindi naman sila sumasabay- madalas ko madatnan na nakahinto lang sila. Yung mga kutsero madalas tulog sa loob nung karwahe (hahahaha commercial lang. di ko maiwasan isipin na may prinsesa. ok bye) habang naghihintay ng mga poreynjer o kung sinuman turista na potential pasahero.

Nakakita na ako ng kalesa nung bata pa ako pero madalas ay sa larawan lang o telebisyon. Isang beses, nagkaroon ako ng chance makita ‘to ng malapitan. Siguro mga ages 8-11 ako noon. Nasa kotse kami nun. Hindi ko lang matandaan kung san kami papunta pero tanda ko yung naramdaman ko nung mga oras na ‘yun. Tumatanaw kasi ako sa bintana ng kotse nun nang bigla kaming may nakasabay na kalesa-on-the-road. Ang sigla nung kabayo parang ‘di napapagod. At kulay tsokoleyt ata ‘yung kabayo na ‘yun. Kaya sobrang napahanga yung batang ako. Pinapanood ko yung pagtakbo niya. Strong legs. Built ang body. Malusog. Ang ganda ng hair, infairness. Pero napansin ko na may hindi tama doon sa kabayo. Bakit may takip yung mata niya? Hindi ko alam kung lalong humanga yung child me dahil nakakatakbo ‘yung kabayo kahit wala siyang paningin? Hahahahaha. Dahil sa mausisa ang mga bata, nagtanong ako kay Mama kung bakit may takip yung mata nung kabayo. Sabi niya hindi naman daw nakatakip yung buong mata nung kabayo, yung gilid lang…para daw hindi malito yung kabayo at para diretso lang ang tingin nito sa daan. Hindi ko alam nung mga oras na ‘yun pero nakaramdam ako ng awa doon sa kabayo. Para bang hindi makatarungan dahil limitado lang nakikita nito. Ang daya. Ano ba numero ng PETA?

So, bakit ko ‘to naalala? Hahahahaha wala lang. May mapost lang…1/2jk.

We’ve all been to a point na hirap tayo magfocus. Kasi ang dami nating nakikita. Ang daming sanga nung daan. Ang daming nakakaakit na kulay sa daan. Minsan, imbis na diretso ka nalang na uuwi, makakakita ka ng SALE sign sa mall kaya hindi mo maiwasang tumingin “lang”. Madalas sa mga estudyante na gaya ko, sa pag-aaral naman. Magbubuklat ka na nga lang ng libro ay makikita mo pa yung notebook mo na puno ng doodle sa likod hanggang sa malunod na dun yung atensyon mo at tuluyang mawala ang interes sa pagrerebyu. O, minsan, may pagkain pa sa bag na makikita. Madalas nagiging entertaining pa yung pagtitig sa pader o sa kisame.

Sa madaling sabi, ang hirap ifocus ng paningin natin sa iisang bagay– hindi lang sa pag-uwi at pag-aaral ang tinutukoy ko. As for us, Christians, we can relate this sa relationship natin kay Lord at sa mga nais Niyang ipagawa sa atin. God wants us to focus our minds not on the earthly things that passes but on the things above that goes eternal and gives glory to God, Our Father, and the Lord Jesus Christ. Pero it’s not a battle that you have to win today and then there’ll be no more. Every day is a constant battle; fleshly desires and what the spirit tells you always wage war. Sana mayroon ding spiritual blinkers para hindi mahirap lumakad papunta sa destinasyon. Para diretso lang yung tingin natin…para maiwasan na magwander pa sa gilid. At dito na nga, I believe, pumapasok ang kahalagahan ng bible and prayers. The bible is what will keep you on track. The Lord, in His strange but satisfying ways, can speak to You right there, reminding you. Mahalaga na alam mo kung nasaang lugar ka na ba. Diretso pa ba ako? Lumilihis ba? Nasa gilid na? O baka nagstop-over na ako? And prayers. You know what, I wholeheartedly believe that prayers are one of the many gifts ng Lord na sobrang powerful because a short prayer, a whisper, even a groan, can change everything in just a snap- because God consistently hears the cry of our hearts. We can pray for God to help us remove our fleshly desires and set our eyes and minds on Jesus (and His concerns) instead.

We cannot say we will unfailingly keep sight of our spirituality but we can always know by the grace of God. And that’s good news. The Lord won’t leave us in astray.

Mahirap maglakad sa mundong ito bilang Kristiyano pero we can always ask God for help. You cannot fight this on your own, ever. And always hold on to the truth that our Lord has won the victory over this world and that means you can overtake any temptation the world is throwing at you! So, ano? Let’s start over! Take your bibles and let’s fight the good fight of the faith!

Key verses: Colossians 2:20 Colossians 3:1-15

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s